^

PM Sports

UAAP volleyball Finals, Ayaw nang humaba pa ng DLSU volleybelles

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bitbit ang momentum matapos kalusin ng dalawang sunod ang number two seed na National University, asahan na mas magiging palaban ang Ateneo sa pagbangga sa mortal na karibal na La Salle sa pagsisimula ng UAAP women’s volleyball Finals ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil pumasok agad sa Finals matapos ang 14-0 sweep sa elimination round, ang three-time defending champion Lady Archers ay ginawaran ng thrice-to-beat advantage at mangangahulugan ito na may 1-0 kalamangan agad sila sa serye.

Dalawang beses na lamang nila kailangang talu-nin ang Ateneo na dapat ay manalo ng tatlong sunod para maagaw ang kampeonato.

Hindi pa nananalo ang Ateneo sa La Salle matapos kunin ang Game One sa Finals ng Season 74 pero may kumpiyansa ang mga kapanalig nila na maaaring mabago ang sitwasyon sa championship na ito.

Naipakita ng Lady Eagles ang kanilang determinasyon at puso nang kalusin ang Lady Bulldogs sa dalawang sunod na laro.

Ito na ang ikatlong sunod na do-or-die win ng koponan dahil kinailangan muna ng third seed na ta-lunin ang pumang-apat na Adamson sa unang yugto sa step-ladder semifinals.

“Their hearts are strong and I think we can win,” pahayag ni Thailand coach ng Ateneo Anusorn Bundit.

Si Alyssa Valdez ang patuloy na huhugutan ng Ateneo pero nakikitaan din ng magandang laro sina Amy Ahomiro, Jorella Marie De Jesus, Michelle Kathereen Morente at libero na si Dennise Lazaro.

Ngunit hindi basta-basta padadaig ang La Salle na may iniingatan ding 30-game winning streak na nasimulan dalawang taon na ang nakalipas.

Ito rin ang lalabas na kauna-unahang four-peat championship ng Lady Archers bagay na tiyak na ayaw nilang pakawalan.

Sina Aby Maraño, Ara Galang, Mika Reyes at Kim Fajardo ang mga aasahan ni coach Ramil de Jesus para lumapit sa isang panalo tungo sa paghablot ng titulo ang koponan.

Bago ito ay magtatangka muna ang National University na kunin ang ikalawang sunod na men’s title sa pagharap sa Ateneo sa Game Two ng Men’s Finals na magsisimula sa ganap na ika-2 ng hapon.

Winalis sa tatlong sets ng Bulldogs ang Eagles na tiyak na gagawa ng adjustments para mapalawig sa deciding game ang serye na itinakda sa Sabado. (AT)

AMY AHOMIRO

ARA GALANG

ATENEO

ATENEO ANUSORN BUNDIT

DENNISE LAZARO

GAME ONE

GAME TWO

LA SALLE

LADY ARCHERS

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with