Globalport makikilatisan, PBA Commissioner’s Cup opening ngayon sa MOA
MANILA, Philippines - Makikilatisan ngayon ang pagbabagong ginawa ng Globalport Batang Pier para mas makasabay sa mga katunggali sa pagharap sa Air21 Express sa pagsisimula ng PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Si Alfredo Jarencio ang siya ngayong didiskarte sa Batang Pier na hinugot din ang dating starting guard ng San Miguel (dating Petron Blaze Boosters) na si Alex Cabagnot para bigyan ng liderato ang batang koponan.
Ang laro ay itinakda sa ganap na ika-5:45 ng hapon at sunod nito ay magbubukas ng pagdepensa sa hawak na titulo ang Alaska Aces kontra sa Talk ‘N Text Tropang Texters.
Ibinalik ng Aces si Robert Dozier na siyang sinandalan ng koponan nang tinalo ang Barangay Ginebra sa kampeonato noong nakaraang taon.
Naghatid ang 6’9†na si Dozier ng 20.14 puntos, 17.55 rebounds, 2.91 blocks at 2.50 assists sa 22 laro noong nakaraang taon para kilalanin bilang Best Import ng conference.
Ipantatapat ng koponan ni coach Norman Black ang 6’7†na si Richard Howell na naglaro sa North Carolina State at may career average na 18 puntos, 10.6 rebounds, 2.6 assists at 1.4 steals kada laro.
Para makuha si Ca-bagnot ay ipinagpalit ng Batang Pier si Solomon Mercado ngunit naniniwala ang management na makakabuti ito sa koponan na sasandal sa mga baguhan sa pangunguna ni Terrence Romeo. (AT)
- Latest
- Trending