^

PM Sports

Pacquiao time-out muna sa kanyang pag-eensayo

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Araw ng Linggo kahapon kaya pansamantalang iniwan ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang kanyang ma-tinding pag-eensayo sa boxing ring.

Sinamahan ni Pacquiao ang kanyang pamil-yang magsimba matapos ibuhos ang kanyang lakas sa ilang araw na pakikipag-sparring kay American Lydell Rhodes sa kanyang sariling Wild Card Boxing Gym sa General Santos City.

Nakasama ni Pacquiao sa kanyang pagsisimba ang asawang si Jinkee, pitong buwan nang buntis, at kanilang mga anak.

Sinabi ni Pacquiao na kaagad siyang babalik sa gym para muling makipagpalitan ng suntok kay Rhodes.

Seryoso ang Sarangani Congressman na mabawi ang kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight crown kay Timothy Bradley, Jr.

Muling maghaharap sina Pacquiao at Bradley sa isang rematch sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Tinalo ng 30-an-yos na si Bradley ang 35-anyos na si Pacquiao mula sa isang kontro-bersyal na split decision victory para agawin kay ‘Pacman’ ang suot nitong WBO welterweight belt noong Hunyo 9, 2012 sa MGM Grand.

Matapos ito ay pinabagsak naman si Pacquiao ni Juan Manuel Marquez sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Dis-yembre 8, 2012. Nagbalik si Pacquiao sa aksyon noong Nobyembre 24 kung saan niya binugbog si Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa loob ng 12 round sa Macau, China.

Matagumpay namang naidepensa ni Bradley ang naturang WBO title laban kina Russian Ruslan Provodnikov (unanimous decision) at Marquez (split decision) noong Marso at Oktubre, ayon sa pagkakasunod, noong 2013.

 

AMERICAN LYDELL RHODES

BAM BAM

BRADLEY

GENERAL SANTOS CITY

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

PACQUIAO

RUSSIAN RUSLAN PROVODNIKOV

SARANGANI CONGRESSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with