Di pa rin napigilan si LeBron
MIAMI -- Hinubad ni LeBron James ang kanyang naunang suot na nakakatakot na itim na mask bago ang laro ng Miami Heat kontra sa Orlando Magic.
Isinuot ni James ang naturang black mask noong Huwebes bilang proteksyon sa nabali niyang ilong.
Sinabi niyang pinakiusapan siya ng mga league officials noong Biyernes na magsuot ng protective mask na makikita ng kalaban ang kanyang mukha.
“It’s not a league rule, but it’s the league’s request that you don’t wear the black one,†sabi ni James. “The reasons they told me didn’t make sense to me, but I’m just a player. I will abide by the request.â€
Umiskor si James ng 20 points para ihatid ang Heat sa kanilang pang-pitong sunod na panalo sa bisa ng 112-98 paggiba sa Magic.
Nagtala rin siya ng 9 rebounds at 7 assists sa pagsusuot niya ng clear mask.
Bumandera si Dwyane Wade para sa Miami sa kanyang 24 points at may 20 si Chris Bosh 20.
Sinabi ni Heat coach Erik Spoelstra na kinausap ni NBA Commissioner Adam Silver si Nick Arison, ang anak ng team owner, tungkol sa suot na black mask ni James.
“I’m good with the NBA,†wika ni James. “I am not against the NBA. I had a request, and I fulfilled it.â€
- Latest

















