Servania asam ang pagkakataong lumaban para sa world title

MANILA, Philippines - Patatatagin ni Gene-sis ‘Azukal’ Servania ang paghahabol para mapalaban sa lehitimong world title sa pag-asinta ng panalo sa beteranong si Alexander “El Explosivo”  Muñoz ng Venezuela sa Sabado sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino sa Parañaque City.

Ang bakbakan ang main event sa pitong laban na nakahanay sa Pinoy Pride XXIV na handog ng ALA Promotions at suportado ng ABS-CBN at itataya rin sa unang pagkakataon ni Servania ang hawak na WBO Intercontinental Jr. Featherweight belt.

“Grabe ang pagha-handa ko para sa laban na ito. One month din ako sa US at nagkaroon ng sparring sessions sa Mexico para masabak sa iba’t ibang style,” wika ng 22-anyos na  tubong Bacolod City nang maging bisita sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Hindi pa natatalo si Servania sa 23 laban at 9 sa nakaharap ang natulog sa bakbakan. beterano. (AT)

Show comments