Finals asam ng NU volleybelles

MANILA, Philippines - Pagkakataong maka-laro sa championship ang nasa isipan ng National University sa pagharap sa Ateneo sa pagpapatuloy ng step-ladder semifinals sa UAAP women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Pumangalawa ang Lady Bulldogs sa elimination round para bitbitin din ang twice-to-beat advantage laban sa Lady Eagles.

Ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon magsisimula ang tagisan at kung palarin ang NU ay magkakaroon sila ng pagkakataong kunin ang ikatlong titulo sa liga.

Sasalang din ang men’s team ng National University laban sa Adamson sa ganap na ika-2 ng hapon at inaasinta ang panalo para pumasok na sa Finals sa men’s division.

Defending champiom ang Bulldogs at dahil na-nguna sa eliminations, may twice-to-beat sila sa Falcons na tinalo ang La Salle sa playoff upang umabot sa Final 4. (AT)

Show comments