MANILA, Philippines - Sisikapin ng Rain Or Shine na sakyan ang momentum dulot ng huling panalo sa ikaanim na pagtutuos sa San Mig Coffee sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup Finals ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nanatiling buhay ang Elasto Painters matapos angkinin ang 81-74 panalo sa Mixers sa Game Five na nilaro noong Linggo.
Nag-init si Jeff Chan sa second half nang pakawalan ang 23 sa kabuuang 24 puntos sa huling dalawang yugto para wakasan ang tatlong sunod na panalo sa kanila ng Mixers.
Lamang pa rin ang tropa ni coach Tim Cone sa best-of-seven series, 3-2, pero ang nakuhang tagum-pay ay pinaniniwalaan ni coach Yeng Guiao na magpapabago sa timplada ng serye.
“A win like this can turn around the complexion of the series,†pahayag ni Guiao. “We’ll try to delay or postpone the celebration of San Mig. If we can delay it enough, it can be our celebration.â€
Malaki ang pananalig ni Guiao na pabor sa kanyang koponan kung magkakaroon ng Game Seven kaya’t inaasahan niyang mahihigitan ng kanyang mga alipores ang naipakita sa huling laro sa tagisang magsisimula sa ganap na ika-8 ng gabi.
“SMC is coming out with all its might and determination. They know that this is their best chance to win the championship. Our job is to stay close, match their energy and grind it out at the endgame,†dagdag ni Guiao na target ang kauna-unahang All-Filipino title.
Nakikita ni Mixers coach Tim Cone na manunumbalik ang intensidad at enerhiya ng mga alipores matapos ang da-lawang araw na pahinga.
Isinantabi rin ni Cone na pagod na ang kanyang bataan at tiniyak na may ilalabas pa sila kahit uma-bot pa sa deciding Game Seven ang serye.
“We’re tired but we still got something left. We have to keep pushing,†ani Cone na hanap na maging winningest coach ng PBA kung matuhog ang ika-16th titulo sa conference.
Gumaganda na ang laro ni Mark Barroca habang steady si James Yap pero dapat bumalik ang dating angas ng laro nina Joe Devance at Peter Paul Simon na nalimitahan lamang sa pito at apat na puntos. Si Simon ay bumuslo lamang ng dalawang beses sa 31 minutong paglalaro sa nakaraang tunggalian.
Mapanatili ang init ni Chan ang dapat na mangyari sa panig ng Elasto Painters. Makakatulong din sa hangaring maitabla ang serye kung gagana uli si Paul Lee na matapos gumawa ng 23 at 28 puntos sa Games Three at Four ay may walong puntos lamang sa Game Five. (AT)