DLSU, FEU kampeon sa UAAP chess
MANILA, Philippines - Kinumpleto ng La Salle ang four-peat sa women’s division habang nabawi ng Far Eastern University ang men’s crown sa UAAP Season 76 chess tournament na nagtapos sa Enrique Razon Sports Center ng DLSU noong Linggo.
Sa katunayan, naselyuhan na ng Lady Archers ang titulo sa 13th round noong Sabado sa pamamagitan ng 4-0 rout sa Ateneo at tinapos ang season sa sumunod na araw sa pamamagitan ng 2.5-1.5 panalo kontra sa University of the Philippines para sa kabuuang 44 points.
Nakopo ni Jan Jodilyn Fronda ng De La Salle ang kanyang ikatlong MVP award habang nakamit ni teammate Bernadette Galas ang Rookie of the Year award.
Sa men’s play, sa tulong ni season MVP Kevin Mirano, nabalik sa Tamaraws ang titulo matapos kumopo ng 39.5 points.
Ito ang kanilang ikapitong titulo sa huling 8 seasons para sa league-best na 14 championships.
- Latest