^

PM Sports

Ely Capacio pumanaw na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pumanaw na si dating PBA player at head coach  Eliezer ‘Ely’ Capacio kahapon ng umaga dahil sa stroke.

Siya ay 58-anyos.

Iginiya ni Capacio ang Purefoods sa likod nina Jer­ry Codiñera, Dindo Pumaren, ang kanyang nakababatang kapatid na si Glenn Capacio at ang team mana­ger ngayong si Alvin Patrimonio sa 3-2 best-of-five win laban kay Yeng Guiao at sa Sarsi sa All-Filipino Fi­nals 23 taon na ang nakararaan.

Sa kabuuan, nagtala si Capacio ng 45-48 record bilang mentor ng Purefoods sa limang PBA conference.

Nakapasok din ang Hotdogs ni Capacio sa All-Fili­pino Finals noong 1992 ngunit natalo sa San Miguel, 2-4.

Bago ang kanyang makulay na coaching career ay naglaro si Ca­pa­cio para sa Tanduay sa walong seasons at naglista ng mga averages na 5.9 points at 5.5 rebounds per game.

Siya ay ang alternate governor ng San Miguel Corporation sa PBA Board.

 

ALL-FILIPINO FI

ALVIN PATRIMONIO

CAPACIO

DINDO PUMAREN

GLENN CAPACIO

PUREFOODS

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL CORPORATION

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with