Pacquiao gustong pabilibinsi Roach
MANILA, Philippines - Hangad ni Manny Pacquiao na pabilibin si chief trainer Freddie Roach sa kanyang gagawing matin-ding pagsasanay sa loob at labas ng gym sa General Santos City.
Halos dalawang buwan nang naghahanda si Pacquiao para sa kanilang rematch ni Timothy Bradley sa Abril 12 sa Las Vegas.
Kahapon ay pitong rounds ang ginawa ng 35-an-yos na si Pacquiao sa mitts kasama ang kanyang kaibigan at assistant trainer na si Buboy Fernandez sa Wild Card Gym sa General Santos City.
Seryoso si Pacquiao sa layuning maresbakan si Bradley at mabawi ang inagaw sa kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight crown noong Hunyo 9, 2012.
Sa naturang laban ay nakamit ni Bradley ang isang kontrobersyal na split decision win taliwas sa inaasahan ng mga fans ni Pacquiao.
Nagtungo si Bradley sa post-fight press confe-rence sakay ng isang wheelchair.
Sinabi ni Bradley na sumakit ang kanyang mga paa sa nasabing laban nila ni Pacquiao
Matapos matalo kay Bradley, napabagsak naman si Pacquiao ng kanyang karibal na si Juan Manuel Marquez sa sixth round na nagresulta sa paghiyakat ng mga boxing experts na magretiro na siya.
Ngunit sinabi ni Pacquiao na simula nang talunin siya ni Bradley sa loob ng ring at nakatikim ng isang lucky punch kay Marquez ay hindi pa panahon para isabit niya ang kanyang mga boxing gloves.
At pinatunayan niya ito nang dominahin ang mas batang si Brandon Rios sa Macau, China.
Ngunit hindi niya maaaring balewalain si Bradley, kaya naman tutok si Pacquiao sa kanyang pag-eensayo ngayon.
Si Roach ay nasa Macau para gabayan si Chinese star Zou Shiming sa laban nito bago dumiretso sa Pilipinas para simulan ang kanilang paghahanda ni Pacquiao.
Nakatakdang simulan ni Pacquiao ang pakikipag-sparring kay American Lydell Rhodes at sa ilang local boxers sa susunod na linggo.
- Latest


















