Prized Angel nalo uli
MANILA, Philippines - Nadugtungan pa ng Prized Angel ang magandang ipinakita sa huling takbo nang manalo uli kamakalawa sa pista ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Tumakbo kasama ang coupled entry Pure Enjoyment, bumangon mula sa ikalimang puwesto ang tatlong taong filly at inabutan ang naunang lumayo na Beat Them All.
Sa huling 75-metro ng 1,400-metro karera naabutan ng sakay ni LT Cuadra Jr. ang kabayo ni apprentice rider JD Juco bago tumodo patungo sa dalawang dipang agwat na panalo sa 3YO Handicap Race 2.
Paborito ang coupled entries dahil ang Prized Angel ay galing sa 10-dipang panalo noong Pebrero 14 sa karerang pinag-labanan sa race track na pag-aari ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) at ang win ay naghatid ng P6.00 at ang 5-7 forecast ay mayroong P22.00 dibidendo.
Naipakita din ng kaba-yong Hieroglyphics na manalo sa mas mataas na grupo habang ang Brite Olympian ang siyang luma-bas na dehadong kabayo sa huling araw ng pista sa nasabing karerahan.
Ikalawang dikit na pa-nalo rin ito ng Hierogly-phics pero una sa mas mataas na class division 4.
Ang pagkatalo ng Café Rodolfo ang pumi-gil sa tangkang panga-lawang sunod na panalo at tila napahirapan ang kabayo ng 57-kilos handi-cap weight na pinaka-mabigat sa 11 na naglaban.
May P8.00 ang ibi-nigay sa win habang P13.00 ang dibidendo sa 6-2 forecast.
Nakapanorpresa naman ang Brite Olympian na tumakbo kasama ang coupled entry Suave Saint nang manaig sa special handicap race.
Mahusay ang pagdiskarte na naipakita ni apprentice jockey JD Flores upang manalo sa Pinespun at makapaglista ng panalo ang Brite Olympian sa taon.
Ang tagumpay ay may P39.50 dibidendo habang nasa P354.00 ang ipinamahagi sa 4-3 forecast.
- Latest