^

PM Sports

Big Chill haharap sa NLEX sa PBA D-League finals

AT - The Philippine Star

Laro SA Linggo

FINALS (Best-of-3)

(Smart Araneta Coliseum)

1 p.m. – NLEX vs Big Chill (Game 1)

 

MANILA, Philippines - Kinuha ng Big Chill ang karapatan na labanan ang NLEX para sa titulo ng PBA D-League Aspirants’ Cup matapos ang  89-78 panalo sa Blackwater Elite kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May apat na triples si Janus Lozada para tulu-ngan ang Superchar-gers na iwanan ang Elite at kunin ang do-or-die Game Three.

“It was a team effort. Everybody contributed to accomplish our goal,” wika ni Superchargers coach Robert Sison.

Ito ang unang pagkakataon mula noong 2011-12 Foundation Cup na nakapasok ng championship round ang Big Chill at magkakaroon sila ng sapat na panahon para makapagpahinga at makapaghanda laban sa Road Warriors dahil sa Linggo pa magsisimula ang best-of-three finals series.

Si Lozada ay mayroong 21 puntos na sinahugan ng 5-of-11 shooting sa three-point line.

Dalawang magkasunod na tres na pinakawalan ni Lozada ang nagbigay ng 41-33 kalamangan sa halftime sa Big Chill bago ang isa pang tres ang nagpalaki sa bentahe sa siyam, 59-50.

Ang kanyang huling triple na nagresulta pa sa pagsabit ni Kevin Ferrer tungo sa nakumpletong 4-point play ang nagpatikim sa Superchargers ng 75-61 kalamangan, may 5:47 sa labanan.

Ang beteranong sentro na si Reil Cervantes ay may 18 puntos habang si Mark Canlas ay  naghatid ng 15 puntos.

Bumangon si Jericho Cruz mula sa apat na puntos na produksiyon sa  Game Two sa kinamadang 21 puntos pero ininda ng Elite ang pagkakaroon lamang ng anim na manlalaro na umiskor sa mahalagang laro para mabigo sa tinarget na pangalawang sunod na titulo sa liga.

 

Big Chill 89 – Lozada 21, Cervantes 18, Canlas 15, Brondial 9, Apinan 9, Maiquez 8, Beloria 3, Villahermosa 3, Mirza 0, Santos 0.

 Blackwater Sports 78 – Cruz 21, Mangahas 16, Llagas 12, Bulawan 11, Ciriacruz 11, Ferrer 7, Manguera 0, Bagatsing 0, Pe 0, Austria 0.

 Quarterscores: 20-18; 41-33; 66-56; 89-78.

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER ELITE

BLACKWATER SPORTS

D-LEAGUE ASPIRANTS

FOUNDATION CUP

GAME THREE

GAME TWO

JANUS LOZADA

JERICHO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with