Do-or-die sa FEU at Adamson volleybelles
MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng FEU at Adamson ang huling upuan patungo sa semifinals sa playoff ng UAAP women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Nagkasalo ang Lady Tamaraws at Lady Falcons sa ikaapat na puwesto sa kinuhang 6-8 panalo kaya ang mananalo sa larong itinakda sa ganap na ika-4 ng hapon ang makakasama ng La Salle, National University at Ateneo na palaban sa titulo.
Ang three-time defending champion La Salle ay dumiretso na sa finals sa 14-0 sweep. May thrice-to-beat din sila para masabing matibay na matibay ang puntir-yang four-peat na kung maisasakatuparan ay mangyayari sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng kompetisyon.
Ang papalarin sa FEU at Adamson ang siyang kalaro ng Ateneo sa unang laro sa step-ladder semifinals.
Mauunang magtutuos sa ganap na ika-2 ng hapon ay ang La Salle at Adamson na playoff sa men’s division.
Ang magwawagi ang siyang makakasukatan ng nagdedepensang kampeon na National University (12-2) sa Final Four.
Magkikita ang Ateneo (11-3) at FEU (9-5) at ang Bulldogs at Eagles ay may bitbit na twice-to-beat advantage.
Samantala, nagtagumpay ang Ateneo sa pagdepensa sa titulo sa men’s baseball nang hatawin uli ang La Salle, 8-3, sa Game Two kahapon sa Rizal Memorial Diamond.
Naunang nanalo ang Eagles sa Game One,10-8, sa larong umabot sa extension.
- Latest
- Trending