^

PM Sports

14th Gabriel ‘Flash’ Elorde Memorial Awards

Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na world champions, sa pangunguna ni Hall of Famer Manny Pacquiao, ang mamumuno sa mga international at Philippine champions  na kikilalanin sa 14th Gabriel “Flash” Elorde Memorial Awards na nakatakda sa Marso 25 sa Harbour Garden Tent ng Sofitel Hotel.

Aakyat sa entablado sina WBO light flyweight champion Donnie Nietes, International Boxing Fe-deration light flyweight title holder Johnriel Casimero, WBO minimumweight titlist Merlito Sabillo at ang nagbabalik na si Nonito Donaire para tanggapin ang kanilang awards bilang boxers of the year sa annual awards na idinadaos para kay ‘The Flash’.

Si Elorde ang unang Filipino na iniluklok sa  International Boxing Hall of Fame mula sa malinis niyang record bilang world junior lightweight champion mula 1960 hanggang 1967.

Noong 2013, tinalo ni Nietes ang dalawang Mexicans para mapanatili ang suot na WBO light flyweight title na kanyang inagaw kay Ramon Garcia Hirales ng Mexico noong Oktubre 18, 2011 sa La Salle Coliseum sa Bacolod.

Isang majority decision win ang kinuha ni Nietes sa kanyang unang title defense laban kay Moises Fuentes noong Marso 2 sa Cebu City Waterfront Hotel.

Ang kanyang second defense ay isa namang third round knockout kay Sammy Gutierrez noong Nobyembre 30.

Napanatili naman ng 24-anyos na si Casimero ang kanyang hawak na IBF light flyweight crown ng tatlong beses, dalawa dito ay noong 2013 nang umiskor siya ng isang unanimous decision win kay Luis Alberto Rios ng Panama sa Panama City noong Marso 16 at isang  11th round TKO kay Felipe Salguero ng Panama ang inilista ni Casimero noong Oktubre 26 sa  Makati.

CASIMERO

CEBU CITY WATERFRONT HOTEL

DONNIE NIETES

ELORDE MEMORIAL AWARDS

FELIPE SALGUERO

HALL OF FAMER MANNY PACQUIAO

HARBOUR GARDEN TENT

INTERNATIONAL BOXING FE

INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME

MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with