^

PM Sports

Lady Archers sa Finals ng UAAP

ATan - Pang-masa

Laro NGAYON

(The Arena, San Juan)

2 p.m. - UP vs UE (Women)

4 p.m - Ateneo vs FEU (Women)

 

MANILA, Philippines - Naisakatuparan ng La Salle ang hangad na makaa­ban­te sa UAAP women’s volleyball Finals nang padapain ang National University, 14-25, 26-24, 25-21, 25-20, kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Inilabas ng Lady Archers ang puso ng isang three-time defending champion sa se­cond set nang isantabi ang pagka­wala ng malaking kala­mangan at naitabla ang set sa dalawang errors ng Lady Bulldogs bago gu­mawa ang kanilang bloc­king at mga kills ga­ling kay Abi Maraño sa sumunod na dalawang sets.

Ito ang ika-14 sunod na panalo ng La Salle patungo sa Finals bitbit ang ‘thrice-to-beat’ advantage.

Hawak naman ng Lady Bulldogs ang ‘twice-to-beat advantage’ sa step-ladder semifinals at may magandang tsansang makarating sa Finals sa unang pagkakataon.

Tinalo naman ng sibak nang UST ang Adamson, 25-23, 25-18, 23-25, 25-15, sa unang laro.

ABI MARA

ADAMSON

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY BULLDOGS

NATIONAL UNIVERSITY

SAN JUAN

SHY

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with