Tagumpay ang Satin Lace
MANILA, Philippines - Inangkin ng Satin Lace ang pangunguna sa 2014 Philracom sponsoÂred Charity Special Race 2nd Horse Racing Cup noÂong Biyernes ng gabi sa bakuran ng MetroTurf sa Malvar, Batangas.
Si EP Nahilat ang duÂmiskarte sa Satin Lace na naibulsa rin ang P180,000.00 premyo na ibiÂnigay ng Philippine RaÂcing Commission sa naÂnalo sa 1,200-metro disÂtansyang karera na ang kiÂnita ng karera ay ibibigay sa Manila Police District Press Corps.
Dominado ng nanalong tambalan ang kabuÂuan ng karera at kahit siÂnikap ng Mahiwaga, Birthday Gift at Freaky na bigyan ng magandang laÂban ang Satin Lace sa rekta ay buo pa ang kaÂbayo para kumawala sa huling 100-metro ng kaÂrera.
Ang Mahiwaga na daÂla ni Mark Alvarez ang puÂmangalawa sa datingan bago tumawid ang Birthday Gift ni JB Cordova, Freaky ni RC Tanagon at nabugaw sa limang kalahok ang Boundary ni JL PaÂano.
Paborito ang Satin Lace para magpamahagi ng P5.50 sa win, habang ang 5-1 forecast ay mayÂroÂong P17.00 dibidendo.
Nakasama sa kuminang sa huling gabi ng pisÂta sa ikatlong race track sa bansa ang pagkaÂpanalo ng dehadong Perry’s Prize sa race six.
Kondisyon ang kabaÂyong hawak ni LT Cuadra daÂhil banderang-tapos ang panalong kinuha ng tambalan sa Handicap Race 8 na ginawa sa 1,200-metro distansya.
Rumemate ang It’s June Again ni KB Abobo peÂÂro hindi na umabot at naÂtalo sa Perry’s Prize ng kalahating katawan.
Pinakadehadong naÂnalo sa gabi ang Perry’s Prize matapos maghatid ng P161.50 sa win at P431.00 sa 2-6 forecast.
- Latest