Blatche payag maglaro sa Gilas
MANILA, Philippines - Payag si Andray BlatÂche ng Brooklyn Nets na katawanin ang Pilipinas para sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Ito ay sa kabila ng kaÂwalan niya ng kaalaman sa naturalization process sa bansa.
“I’m not too quite sure about anything about it,†wika ni Blatche sa New York Times report. “They brought it to my attention, and I was like, ‘Yeah, that sounds cool.’ â€
Ang 6-foot-9 na si BlatÂche ang isa sa dalawang NBA players na ikiÂnukunsidera ng Samahang BasÂketbol ng PilipiÂnas (SBP) para gawing naÂturaÂlized player matapos si 7’1 JaVale McGee ng Denver Nuggets at maÂkatuwang ni naturaÂlized center Marcus DoutÂhit sa Gilas Pilipinas.
Sa 2014 FIBA World Cup ay inaasahan ring maÂkakaharap ni Blatche ang ilang NBA stars kagaya nina LeBron James ng Miami Heat, Kevin DuÂrant ng Oklahoma City Thunder, Blake Griffin at Chris Paul ng Los Angeles Clippers.
“I’m looking at it from the standpoint that I can go where I’ve never been before,†wika ni Blatche. “And also it’ll give me an early head start to get ready for training camp and for the season.â€
Sa kanyang paglalaro para sa Nets ngayong season, nagtatala ang 29-anÂyos na si Blatche ng mga averages na 12.1 points at 6.0 rebounds per game.
Nagsumite si AntipoÂlo Rep. Roberto Puno ng dalawang House bills paÂra sa pagsisimula ng naÂturaliÂzation process niÂna Blatche at McGee.
Si McGee ay dalaÂwang beses nang napanoÂod sa bansa sa exhibition game.
Nakamit ng Gilas PiÂlipinas ang tiket para sa 2014 FIBA World Cup matapos kunin ang silver medal sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships noÂÂong Agosto.
Ang Iran at South Korea ang kakatawan rin sa Asya sa World Cup.
- Latest