^

PM Sports

Bagong world light flyweight champion Loreto pinatulog si Joyi sa 3rd

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbayad ni Rey Lo­reto ang naisablay na left hook ng pinaborang si Nkosinathi Joyi nang pa­tulugin niya ito sa ikatlong round patungo sa pag­hablot sa bakanteng In­ternational Boxing Or­ga­nization (IBO) light fly­weight title na pinaglabanan noong Sabado sa The Salle Des Etoiles sa Mon­te Carlo, Monaco.

May laman ang pi­nakawalang counter left ng 23-anyos ni Loreto na tumama sa panga ng da­ting IBF minimumweight champion upang bumu­lag­ta ito sa ring.

Idineklara ni referee An­dile Matika na panalo ang Filipino boxer nang hin­di na nakabangon pa si Joyi may 49 segundo sa ikatlong round.

“Nagbunga ang paghihirap ko. Natupad ang pa­ngarap ko,” naibulalas ni Loreto, tinaguriang “Hitman” na nadehado dahil may 13 losses ito sa kanyang baraha.

Rated din si Joyi sa ti­nitingalang boxing orga­nizations na WBC (7), WBA (10), IBF (6) at WBO (4) kaya’t inakala ng marami na magiging ma­daling laban ito para sa kanya.

Ngunit hindi naman bago kay Loreto ang manalo sa malala­king laban dahil bago si Jo­yi ay nanaig siya kay Porn­sa­wan Porpramook ng Thai­land sa technical de­cision noong Agosto sa Bangkok at ibulsa ang in­terim PABA light flyweight title.

Naiangat ni Lorete ang karta sa 18 panalo, kasama ang 10 KOs, habang si Joyi ay lumasap ng ikatlong kabiguan matapos ang 28 laban.

Ang 31-anyos na si Joyi ay natalo rin sa ikalawang pagkakataon sa hu­ling tatlong laban at ang third round KO ay tumabon sa 7th round KO ka­bi­guan sa kamay ni  Mario Rodriqez ng Mexico sa IBF minimumweight title defense noong Set­yembre 1, 2012.

Si Loreto ang ikatlong Filipino champion sa 108-pound di­vision matapos sina John Riel Ca­simero at Donnie Nie­tes sa International Bo­xing Federation (IBF) at World Bo­xing Organization (WBO).

 

BOXING OR

DONNIE NIE

INTERNATIONAL BO

JOHN RIEL CA

JOYI

LORETO

MARIO RODRIQEZ

NKOSINATHI JOYI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with