^

PM Sports

La Salle kinuha ang ‘twice-to-beat’

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inangkin na ng three-time defending cham­pions na De La Salle Uni­versity ang unang ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four sa bisa ng 25-15, 25-23, 25-12 pana­lo sa UP sa 76th UAAP wo­men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Ara Galang ay may 12 hits at tatlong aces  tungo sa 17 puntos at sila ni Abigail Maraño ay nagsanib sa 13 digs na kapos lamang ng isa sa kabuang digs ng Lady Maroons para sa ika-11 sunod na panalo.

May 11 puntos si Maraño, habang ang setter na si Kim Fajardo ay may apat na service aces at 19 excellent sets upang lumawig sa 27 ang pagpapanalo ng koponan.

Kailangan na lamang ng Lady Archers na maipanalo ang huling tatlong laro para umusad sa Finals bitbit ang mahalagang ‘thrice-to-beat’ advantage.

Bumangon naman ang Ateneo mula sa pagkawala ng 2-0 kalamangan para mangi­babaw sa deciding fifth set, 25-22, 25-19, 16-25, 18-25, 15-13, kontra  sa kinapos na Adamson sa ikalawang laro.

May 26 hits si Alyssa Valdez na nagmula sa 19 kills, 4 blocks at 3 aces at ang Lady Eagles na ipinarada muli ang Thai mentor Anusorn Bundit ay na­buhay sa deciding set pa­ra manatiling nakakapit sa ikatlong puwesto sa 7-4 ba­raha.

 

ABIGAIL MARA

ALYSSA VALDEZ

ANUSORN BUNDIT

DE LA SALLE UNI

FINAL FOUR

KIM FAJARDO

LADY ARCHERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with