^

PM Sports

No. 1 seeding asam ng NLEX, Big Chill

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkaroon ng winning momentum papasok  sa semifinals na lamang ang hahangarin ng Big Chill at NLEX sa pagharap sa magkahiwalay na laro sa pagtatapos ngayon ng PBA D-League Aspirants’ Cup elimination round sa The Arena sa San Juan City.

Parehong selyado na ng Superchargers at Road Warriors ang awtomatikong puwesto sa semifinals ngunit makakaasa na totodo pa rin ang dalawang koponan para makuha ang panalo.

Ika-12 panalo matapos ang 13 laro ang mapapasakamay ng Superchargers kapag tinalo nila ang Hog’s Breath Café sa kanilang ika-2 ng hapon na tunggalian.

Kung mangyari ito ay opisyal nilang seselyuhan ang number one seeding habang ang NLEX ang malalagay sa number two.

Puwede pang maagaw ng Road Warriors na lumasap ng 74-78 pagkatalo sa Cagayan Valley sa hu-ling asignatura, ang unang puwesto kung matalo ang Big Chill at manalo  sila sa Zambales M-Builders sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Magtatabla ang dalawang koponan sa 10-2 karta at lalabas bilang number one ang tropa ni coach Boyet Fernandez base sa 97-88 panalo sa pagtutuos nila ng Big Chill.

“It’s important for us to close the elimination round on winning note. We want to enter the semis with something to get us going,” pahayag ni Sison.

All-out din ang Razorbacks para magkaroon ng kumpiyansa sa pagharap sa Rising Suns sa quarterfinals.

Number four na ang tropa ni coach Caloy Garcia at kasama ng Jumbo Plastic, ang number three sa standings, ay may twice-to-beat sa susunod na yugto ng kompetisyon.

Pigilan ang paglasap ng ikalawang sunod na pagkatalo ang dagdag na motibasyon ng Road Warriors sa pagharap sa Zambales M-Builders na nais na kunin ang ikatlong panalo matapos ang 13 labanan. (AT)

BIG CHILL

BOYET FERNANDEZ

BREATH CAF

CAGAYAN VALLEY

CALOY GARCIA

D-LEAGUE ASPIRANTS

JUMBO PLASTIC

RISING SUNS

ROAD WARRIORS

ZAMBALES M-BUILDERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with