^

PM Sports

Zeal gustong bumawi sa 3YO and Above Maiden

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang kabayong Zeal na makabawi matapos ang di magandang ipinakita sa huling takbo sa pagsali sa 3YO and Above Maiden division  sa pagpapatuloy ng pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong gabi.

Si Jessie Guce ang didiskarte sa nasabing kabayo na hindi tumimbang noong Enero 23 sa isa ring 3YO Above race sa distansyang 1,400m. Si JL Paano ang pinagabay sa kabayo sa nasabing karera.

Mas mabigat ang laban sa karerang ito dahil full gate itong tatakbo sa 1,400m distansya din.

Kasali rin ang Bull Session, Director’s Diva, Mandolin, Good Nature, Beat Them All, Pa Dating, Maximum Velocity, Sky Bird, Sweetchildofmine, Miss Prospector, Pintados, Good Copy at Mud Slide Slim.

Napalaban din noong Enero 23 ang mga kaba-yong Beat Them All at Maximum Velocity at ang mga kabayong ito ay tumapos sa ikaapat at limang puwesto. Si RM Telles pa rin ang didiskarte sa Maximum Velo-city pero si RH Silva ang sasakay sa Beat Them All kahalili ni ALG Gamboa.

Inaaasahang magiging palaban din ang kabayong Bull Session na tumapos sa ikalawang puwesto noong Enero 13 kasunod ng Gorgeous Chelsea. Ang mananalo sa karerang ito ay tatanggap ng P10,000.00 premyo mula sa Philippine Racing Commission.

May walong races ang magpapasigla sa programa sa ikalawang sunod na araw ng pagtakbo sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. at pumalo sa 91 kabayo ang magtatagisan para matiyak na masisiyahan ang mga susuporta sa karerang ito. (AT)

ABOVE MAIDEN

BEAT THEM ALL

BULL SESSION

ENERO

GOOD COPY

GOOD NATURE

GORGEOUS CHELSEA

MANILA JOCKEY CLUB INC

MAXIMUM VELO

MAXIMUM VELOCITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with