Wesley nakisosyo sa 2nd place
MANILA, Philippines - Tinalo ni Filipino Grandmaster Wesley So si dating world challenger BoÂris Gelfand ng Israel paÂra makatabla sa second place sa ilalim ni top seed at World No. 2 na si Levon AroÂnian ng Armenia sa Tata Steel Masters sa Wijk aan Zee, the NetherÂlands.
Kinontra ni So ang giÂnamit na Sicilian Defense ni Gelfand patungo sa kanÂyang panalo.
Pinagbitiw ng 20-anÂyos na si So ang dating BeÂlarus top board player sa 29th move.
Itinaas ni So ang kanyang 3.5 points at kalahaÂting puntos lamang ang agÂwat kay Aronian, nagÂtaÂla ng isang 57-move win kontra kay German Arkadij Naiditsch sa kanilang Ruy Lopez showÂdown.
Nagmula si So sa perpektong six-of-six perforÂmance para igiya ang Webster University sa Pan American Games title noÂong Disyembre.
Tumabla si So sa ikalawang puwesto kay Dutch Anish Giri, binigo si Indian Pentala Harikrishna sa 71 moves ng kanilang Guioco Pinao due.
Nakatakdang magÂhaÂrap kahapon sina So at AroÂnian sa sixth round.
Huling nagharap sina So, pang-28 sa buong munÂdo mula sa kanyang 2719 raÂting, at Aronian noÂong 2012 World Chess Olympiad kung saan nagtapos sa 51-move draw ang kanilang laban.
- Latest