^

PM Sports

Schrock, Maraño at Valdez bibigyan ng special award

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatanggap ng special award ang da­lawang volleyball players at isang foot­­­ball player galing sa Philippine Sports­writers Association (PSA) para sa Annual Awards Night sa Enero 25 sa Cen­tennial Hall ng Manila Hotel.

Si Stephan Schrock ng Philippine Az­­kals at mga volleybelles na sina Abi­­gail Maraño at Alyssa Valdez ang ta­­tanggap ng Mr. Football and Miss Vol­­leyball, ayon sa pagkakasunod, sa pag­kilala ng pinakamatandang media or­ganization sa kabuuang 123 persona­lities at entities sa Awards Night na ini­hahandog ng Milo at Air21 bilang ma­jor sponsor.

Ito ang unang PSA award para sa 27-anyos na si Schrock, nanguna sa pa­­nalo ng Azkals sa 2013 Philippine Peace Cup.

Pumirma ang midfielder, ang ama ay isang German at ang ina ay isang Pi­nay, ng kontrata sa Bundesliga club na Eintracht Frankfurt sa kalagitnaan ng 2013.

Ang mga naunang hinirang na Mr. Foot­ball ng PSA ay sina Chieffy Caligdong, Phil Younghusband at Ed Saca­pa­no.

Samantala, sina Maraño at Valdez ang unang kinilalang Miss Volleyball ng PSA sa taunang event na itinatagu­yod ng Smart Sports, Philippine Sports Com­mission, SM Prime Hol­dings, Phi­lippine Amusement and Gaming Corp., ICTSI-Philippine Golf Tour, Philippine Basketball Association, Globalport, Rain or Shine, Philippine Charity Sweepstakes Office, Accel at 3XVI at ni Senator Chiz Escudero.

Binanderahan ni Maraño ang De La Salle women’s volleyball team sa ikat­long sunod na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) title na tinampukan ng two-game sweep sa Ateneo sa Finals.

Ang 21-anyos na team captain ng La­­dy Spikers ang kinilalang UAAP Most Valuable Player award sa ikalawang sunod na taon.

Iginiya naman ng 21-anyos na si Val­dez ang pagsigla ng volleyball prog­ram ng Ateneo at nanguna sa dalawang be­ses na pagrereyna ng koponan sa Sha­key’s V-League. 

Sasamahan nina Schrock, Maraño at Valdez ang local sports community sa pagpaparangal sa Gilas Pilipinas bilang 2013 Athlete of the Year sa event na isasaere ng PSA partner na DZSR Sports Radio 918.

Sina pool players Rubilen Amit, Den­nis Orcollo at Lee Van Corteza ka­sama si taekwondo jin Mikeala Calamba ang tatanggap ng President’s Award at ang hinirang na Executive of the Year ay si Samahang Basketbol ng Pi­lipinas (SBP) president Manny V. Pa­ngi­linan.

 

ALYSSA VALDEZ

AMUSEMENT AND GAMING CORP

ANNUAL AWARDS NIGHT

ATENEO

ATHLETE OF THE YEAR

AWARDS NIGHT

CHIEFFY CALIGDONG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with