^

PM Sports

Magarang panimula sa Gorgeous Chelsea

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magarang panimula  ang nakuha ng tatlong taong kabayo na Gorgeous Chelsea nang nasama ito sa mga  nanalo sa pagbubukas ng isang linggong karera noong Lunes sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si RM Ubaldo ang dumiskarte sa tatlong taong filly na sumagupa sa 13 iba pang katunggali at hindi napigil ang  kabayo nang mag-init ito para makapagdomina sa 3YO and Above Maiden Division race sa 1,400m distansya.

Hindi tumimbang sa huling mga takbo sa buwan ng Disyembre, naunang nalagay ang nanalong kabayo sa ikalimang puwesto ngunit tila nagpapahinga lamang pala ang tambalan.

Sa kalagitnaan ng karera ay nagsimulang bumilis ang kabayong anak ng Blut Tusmani at Andee’s Wind at sa far turn ay nakaangat na kasama ang Bull Session ni AR Villegas.

Nakasabay pa ang naunang nangu-ngunang Ate Kai sa dalawang  mainit na kabayo ngunit bumitaw ang sakay ni LC Lunar sa pagsapit ng rekta.

Nakalayo ng isang dipa ang Gorgeous Chelsea at napanatili ni Ubaldo ang distansya sa second favorite na Bull Session hanggang sa narating ang meta.

Nagpasok ng P71.00 ang win habang ang 14-3 dehadong forecast ay may P330.50 dibidendo.

Ang naliyamadong Smart Winner ay tumapos na pang-lima lamang. (AT)

vuukle comment

ABOVE MAIDEN DIVISION

ANDEE

ATE KAI

BLUT TUSMANI

BULL SESSION

CARMONA

GORGEOUS CHELSEA

SAN LAZARO LEISURE PARK

SMART WINNER

UBALDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with