Jumbo Plastic, Blackwater wagi
MANILA, Philippines - Sinandalan ng Jumbo Plastic at Blackwater Sports ang malakas na paglalaro sa second half para kunin ang mga panalo sa magkahiwalay na laro sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Trinity University of Asia gym.
Isang 13-3 bomba ang isinalubong ng Giants sa pagbubukas ng second half para iwanan na ang Boracay Rum tungo sa 86-72 panalo sa unang laro.
Kalahati sa 16 puntos sa laro ni Jan Colina ang ibinagsak niya sa opening run habang lima pa ang ginawa ni Elliot Tan upang ang 32-26 bentahe sa halftime ay lumobo sa 45-29.
“This is a big game for us because I think this win gave us a spot in the quarterfinals,†wika ni Giants coach Stevenson Tiu na mayroon nang 9-3 baraha.
Si Tan ang nanguna sa nagwaging koponan sa kanyang 17 puntos at limang assists habang si Colina ay may 14 boards at apat na steals.
Naroroon din ang suporta nina Karl Dehasa at Harold Arboleda at ang una ay mayroong 14 puntos habang double-double na 12 puntos at 11 boards ang kinamada ng dating Perpetual Help player.
Bumaba ang Waves sa 5-6 baraha upang malagay sa peligro ang asam na makasama sa anim na koponan na magpapatuloy ang kampanya sa liga.
Nagpasabog si Jericho Cruz ng 31 puntos para pangunahan ang Elite sa 94-80 panalo sa Derulo Accelero.
Ibinagsak ni Cruz ang 16 puntos sa ikatlong yugto upang makakalas sa 43-all iskor sa halftime ang Elite sa hinawakang 67-61 kalamangan matapos ang ikatlong yugto. (AT)
- Latest