Snake Queen at Seni Seviyorum mag-uunahan sa ika-2 panalo
MANILA, Philippines - Magsusukatan ang Snake Queen at Seni Seviyorum para sa ikalawang panalo sa taon sa pagpapatuloy ng karera ngayong gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ang dalawang kabayo ay kabilang sa walong magsusukatan sa special class division race seven na inilagay sa 1,300-metro distansya.
Ang Snake Queen ay gagabayan ni RL Ubaldo at nanalo ang tambalan noong Enero 2 sa nasabing race track sa Yellow Citizen.
Hindi nagpahuli ang Seni Seviyorum sa pagdadala ni JF Paroginog na kuminang din sa nasabing petsa sa isang class division four race. Ang iba pang magha-hanap ng panalo ay ang John’s Memory, Flo Jo, Conso-lidator, Markees World, Gastambide at Gawang Pinoy.
Isa ring magbabalak na manalo pa ay ang Shining Moment na sasabak sa 4YO Handicap Race sa 1,400-metro distansya.
Tumakbo ang nasabing kabayo na gagabayan ni Mark Alvarez noong Enero 2 at isinantabi ng tambalan ang laban ng Penny Perfect.
Makakasama ng Shining Moment ang Cassie Dear at makakatunggali nila ang mga kabayong Salawikain at Summer Style, Mindful Minstrel, Batang Balara, El Rey Elon, Blue Magic, If-yourhonorplease at Royal Choice.
Walong karera ang nakahanay sa programa sa ikalawang araw ng pakarera sa Manila Jockey Club Inc. at isang kabayo na sisikapin din ang ipakikitang takbo ay ang Arriba Amor.
- Latest