Grace Giver nagbigay ng magandang Pamasko
MANILA, Philippines - Magandang Pamasko ang ibinigay ng kabayong Grace Giver sa kanyang connections nang manalo ito sa handicap race na siÂnalihan noong Disyembre 24 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si JV Ponce ang pinaÂsakay sa kabayo sa ikalaÂwang sunod na pagkakaÂtaon at winakasan ng tamÂbalan ang daÂlawang diÂkit na segundo puwesÂtong pagtatapos maÂtapos doÂminahin ang labanan ng tatÂlong kabayo sa rekÂÂta.
Lumayo ang Grace GiÂver sa huling 100 metro sa 1,200-metrong karera paÂra tuluyang agawin ang banÂdeÂra sa napaborang Jungle Jingle bago ungusan ang Pit Boss ni JesÂsie Guce para makuha ang panalo.
Ang Grace Giver na tuÂmakbo sa ikalawang pagÂkaÂkataon sa buwan ng Disyembre ay siyang luÂmabas bilang pinakadehadong kabayo na naÂnaÂlo sa araw na ito para maÂkapaghatid ng P64.50 dibidendo sa win at ang 3-5 forecast ay mayroong P150.00 na ipinaÂmahagi.
Isa pang dehadong kaÂbayo na kuminang ay ang Katmae.
Nabiyayaan ang reÂmaÂte ng Katmae nang maÂunang ilusot ang kanyang ilong paÂra daigin ang Lady Liam sa handicap race 2 sa 1,200-metro distansyang kaÂrera.
Halagang P53.50 ang inabot ng win, haÂbang ang dehado pang forecast na 6-4 ay mayroong P431.50 dividendo.
- Latest