Jockey Hernandez naghatid ng 2 panalo
MANILA, Philippines - Makinang na pagdisÂkarte ang naipakita ni JoÂnathan Hernandez nang magÂhatid ito ng dalawang paÂnalo noong Lunes ng gaÂbi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, CaÂvite.
Ang Silver Sword at Friends For Never ang mga kuminang sa pagdaÂdala ng class A jockey at hinÂdi nabigo ang mga maÂnanaya na naniwala sa galing ng mga kabaÂyong ito kahit hindi naging paÂborito sa nilahukang kaÂrera.
Kondisyon ang Silver Sword matapos paharurutin agad ni Hernandez, habang ang mga napaboran na Penetrator at King Samer ang naghahabol.
Hindi naman nagpabaya si Hernandez at kahit nagkaroon ng malakas na pagremate ang King SaÂmer ay napanatili ng tatÂlong taong gulang na Silver Sword ang tulin nito para manalo ng dalawang dipa sa 1,500-metro special class division.
Umabot sa P13.00 ang ibinigay na dibidendo sa ikalawang sunod na paÂnalo ng Silver Sword, haÂbang ang pagsegundo ng slight favorite na King SaÂmer na dala ni EM RaÂquel ay nagpasok ng P68.00.
Nakuha naman ng Friends for Never ang ikalawang panalo sa huÂling dalawang buwan sa class division 2 race na iniÂlagay sa 1,300-metro.
Hindi rin napaboran ang kabayong nabanggit dahil pumang-lima lamang ito noong DisyemÂbre 2 sa Santa Ana Park pero ipinakita ng tambalan na mas gamay nila ang pista.
- Latest