Matamis na panalo nina Donaire, Nietes at Sabillo
MANILA, Philippines - Isang dating hinirang na “2012 Fighter of the Year†at dalawang world boxing champions ang nagÂposÂte ng kani-kanilang panalo sa nakaraang taon.
Matapos malasap ang kanyang unang kabiguan maÂkaraan ang 11 taon na pamamayagpag, nagbalik sa kanyang porma si dating world unified super banÂtamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ DoÂnaire, Jr.
Muling tinalo ni Donaire ang karibal na si Vic ‘The Raging Bull’ Darchinyan via ninth round TKO sa kanilang non-title, featherweight fight noong NobÂyembre 10 sa Corpus Christi, Texas. Sa nasabing rematch nila ni Darchinyan ay nagkaroon ang tubong Talibon, Bohol ng hairline fracture of the orbit bone sa ilalim ng kanyang kanang mata.
Sa kabila nito, sinabi ng 31-anyos na si Donaire na gusto kaagad niyang lumaban sa Enero ng 2014.
Nauna nang pinabagsak ni Donaire si Darchinyan sa fifth round para agawin sa Armenian fighter ang mga suot nitong International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight titles noong Hulyo ng 2007.
Bago talunin si Darchinyan ay nabigo muna si Donaire kay unified world super bantamweight chamÂpion Guillermo Rigondeaux ng Cuba via unanimous deÂcision sa kanilang unification championship fight noÂong Abril sa New York City.
Determinado si Donaire (32-2-0, 21 KOs) na resbakan si Rigondeaux (13-0-0, 8 KOs) para sa isang reÂmatch.
Umiskor naman ng panalo sina World Boxing OrÂganization (WBO) minimumweight titlist Merlito ‘Tiger’ Sabillo (23-0, 12 KOs) at WBO light flyweight ruÂler Donnie ‘Ahas’ Nietes (32-1-4, 18 KOs) noong NobÂyembre 29 sa Smart Araneta Coliseum.
Muling naipagtanggol ng 29-anyos na si Sabillo ang kanyang WBO belt makaraang lusutan si NicaraÂguan challenger Carlos Buitrago (27-0-1, 16 KOs) sa pamamagitan ng isang kontrobersyal na split draw deÂcision.
Pinabagsak naman ni Nietes si Mexican Sammy Gutierrez (33-10-2, 23 KOs) sa 2:58 ng round three paÂra patuloy na isuot ang kanyang WBO light flyweight belt.
Dalawang beses pinatumba ni Nietes si Gutierrez sa first round mula sa kanyang right cross bago taÂpusin ang Mexican sa third round buhat sa isang counÂter right.
Inangkin naman ni Edrin Dapudong (29-5-0, 17 KOs) ang International Boxing Organization (IBO) junior bantamweight title matapos pabagsakin si South African Gideon Buthelezi sa round eight noong HunÂyo 15 sa Johannesburg, South Africa.
- Latest