^

PM Sports

Batang judoka naasahan sa ginto

Pang-masa

NAY PYI TAW – Isang batang judoka at palabang campaigner ang bumuhat sa Team Philippines sa judo competition ng 27th Southeast Asian Games.

Umiskor si Kiyomi Watanabe ng full point upang igupo si Thi Hoa Bui ng Vietnam sa women’s -63kg category habang nabawi ni Gilbert Ramirez ang kanyang titulo matapos igupo si Banpot Lerthaisong ng Thailand sa men’s -73kg class upang madagdagan ang produksiyon ng Filipino judokas kahapon sa Zayar Thiri Indoor Stadium dito.

Pambawi ito sa kabiguan ni Jenilou Mosqueda, ang ikatlong Filipino na pumasok sa finals, laban kay Om Pongchaliew ng Thailand via decision sa women’s -57kg category.

Ang 16-gulang na judoka, na-recruit mula sa Japan at komopo ng bronze medal sa 2nd Asian Youth Games na si Watanabe, ay naging agresibo sa kaagahan ng laban at natagalan bago nakuha ang tamang diskarte para talunin ang Vietnamese.

Sa final 1:30 mark, nakasilip ng butas si Watanabe sa depensa ng kalaban para mahuli niya ito tungo sa tagumpay.

“She’s very determined, very promising” sabi ni Filipino judo coach Rolan Llamas. “I believe in her skills and her determination. I know she will breeze through the SEA Games because her ultimate goal is to make it to the Olympics. This is her passion. She loves the game.”

Ito ang unang gold ni Watanabe matapos maka-bronze noong 2011 SEA Games sa Jakarta.

“Medyo hilaw pa siya noon, she was just 14. At galing siyang Japan noon kaya medyo naninibago sa labanan dito sa Southeast Asia,” ani Llamas.

Nanalo rin ng gold si  Gilbert Ramirez na nagdomina noong 2003 Hanoi at 2005 Manila Games.

Naging magaan ang panalo ni Ramirez kontra sa kalabang Thailander  para muling maka-gold matapos ang walong taong pananahimik.

 Muling sasalang ang mga judokas ngayon kung saan lalaban sina Ruth Dugaduga at Angelo Gumila sa women’s +78kg at men’s -90kg, ayon sa pagkakasunod.

ANGELO GUMILA

ASIAN YOUTH GAMES

BANPOT LERTHAISONG

GILBERT RAMIREZ

JENILOU MOSQUEDA

KIYOMI WATANABE

MANILA GAMES

OM PONGCHALIEW

WATANABE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with