May Pamasko ang mga SEAG medalist
MANILA, Philippines - Nais pasayahin ni PSC chairman Ricardo Garcia ang Pambansang manla-laro na nagtagumpay sa hangaring bigyan ng kara-ngalan ang Pilipinas sa 27th SEA Games sa Myanmar.
Sa pulong-pambalitaan kahapon, inanunsyo ni Garcia ang kahandaan ng PSC na abunohan ang kabuuang halaga ng insentibong ipamimigay sa mga nanalong atleta at mga coaches nito na sa kasalukuyan ay nagkakahalaga na ng mahigit P6 milyon.
Habang isinusulat ang balitang ito ay may 25 ginto, 30 pilak at 32 bronze medals na ang napanalunan ng 210-Pambansang manlalaro na ipinadala sa kompetisyon.
Base sa Insentives Act, ang mananalo ng ginto ay magkakamit ng P100,000.00, ang pilak ay may P50,000.00 habang P10,000.00 ang sa bronze medal at ang pera ay kukunin sa PAGCOR.
Ang insentibo ay bukod pa sa P3,000.00 cash gift ng PSC sa lahat ng kasapi ng National pool at coaches na ipapasok sa kanilang mga ATMs sa Lunes.
“Kakausapin ko si exe-cutive secretary Paquito Ochoa kung puwede ay abonohan na namin ang halaga ng incentives para magkaroon ng magandang Pasko ang mga nanalong atleta. Hindi kasi naisama sa huling board meeting ng PAGCOR noong December 18 ang incentives at sa January na ito matatalakay. Kung pumayag, sa Monday ay ibibigay namin ang incentives,†wika ni Garcia.
Masayang-masaya si Garcia sa ipinakitang laban ng Pambansang manlalaro dahil maraming ginto ang nakuha sa mga events na hindi inasahang manalo ang Pilipinas.
Tinuran niya ang athletics bilang tunay na nakapanggulat matapos magtala ng anim na ginto bukod sa apat na pilak at tatlong bronze medals habang ang women’s golfers na winalis ang dalawang ginto ay isa rin sa kanyang hinangaan.
“I must admit that I made a mistake regarding my projection with our women’s golfers. They proved that they deserved to be part of the delegation,†ani ni Garcia.
Lumaban ang Pilipinas sa SEAG kahit 16 gold medals ang nabawas agad dahil tinanggal ng Myanmar ang events na malakas ang Pilipinas.
Kung sakaling hindi ito nangyari at nagdomina pa rin ang Pambansang manlalaro sa events na binawas, nasa 39 ginto na ang nakubra ng delegasyon at lampas na ito ng tatlo sa 36 na kinuha noong 2011 sa Indonesia.
- Latest