^

PM Sports

Di pa sumusuko sa 6th

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbalibag ng dalawang ginto ang mga judokas habang ipinakita ni Rubilen Amit kung bakit siya ang kinikilala bilang World champion sa ten ball at ang Pilipinas ay pa-tuloy na ibinibigay ang lahat sa 27th SEA Games kahapon sa Nay Phi Taw, Myanmar.

May 26 ginto na ang Pilipinas ngunit hindi rin nagpapaawat ang Singapore na nanalo ng lima sa sailing para manatiling okupado ang ikaanim na puwesto sa overall race.

May kabuuang 26 ginto, 30 pilak at 32 bronze medal na ang Pilipinas pero napag-iiwanan pa rin ng limang ginto ng Singapore na may 31-28-42 medal tally.

Ang 16-anyos na si Kiyomi Watanabe at beteranong si Gilbert Ramirez ang mga naghatid sa unang dalawang ginto sa judo para pawiin ang mga pagkatalo sa gold medal bouts nina Nancy Quillotes-Lucero at Helen Dawa.

Si Watanabe ay nanalo kay Thi Hoa Bui ng Vietnam matapos makakuha ng isang puntos sa huling isang minuto at 30 segundo sa limang minutong labanan sa women’s minus 63kgs. division.

Si Ramirez na tulad ni Watanabe ay mayroon lamang bronze medals noong 2011 sa Indonesia, ay nangibabaw kay Banpot Lertthaisong ng Thailand sa men’s 73kgs. class.

Malakas na panimula ang ipinakita ni Amit para ibigay ang pangatlong ginto ng Pilipinas sa araw na ito.

Kinuha agad ni Amit ang unang rack upang pagningasin ang 7-2 demolisyon kay Angeline Magdalena ng Indonesia sa finals ng women’s 10-ball.

Lalabas si Amit bilang kauna-unahang kampeon ng 10-ball sa SEAG at pinawi niya ang kawalan ng medalya sa 9-ball na dinomina ni Magdalena.

Si Iris Ranola na nagdadalamhati pa sa pagkamatay ng ama ilang araw bago nagsimula ang SEAG ay nakontento sa bronze medal at natapos ang kanyang kampanya sa 2-7 pagyuko kay Magdalena sa semifinals.

Ito rin ang ikalawang ginto ng billiards delegation matapos kunin ni Dennis Orcollo ang men’s 10-ball gold laban sa kababayang si Carlo Biado.

May tsansa pa ang Pilipinas na madagdagan pa ang gintong medalya dahil palaban pa sa ginto ang tatlong muay fighters  habang may entrada pa ang bansa sa larangan ng judo, chess at taekwondo ngayon.

ANGELINE MAGDALENA

BANPOT LERTTHAISONG

CARLO BIADO

DENNIS ORCOLLO

GILBERT RAMIREZ

GINTO

HELEN DAWA

KIYOMI WATANABE

MAGDALENA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with