^

PM Sports

Jumbo Plastic sumalo sa 3rd

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sumalo na ang Jumbo Plastic sa mahalagang ikatlong puwesto nang kanilang padapain ang Derulo Accelero, 73-61 sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Blue Eagle Gym.

Si Jan Colina ay naghatid ng pito sa kanyang nangungunang 19 puntos sa huling yugto para pag-initin ang 27-18 palitan at maisantabi ang pagdikit sa tatlo ng Oilers sa pagtatapos ng ikatlong yugto (46-43).

Nagdagdag si Jason Ballesteros ng 10 puntos, siyam na rebounds at tatlong blocks habang may walong assists si Elliot Tan at ang Giants ay palaban pa sa awtomatikong semifinals seat na ibibigay sa dalawang mangungunang koponan.

“Our acid test will be this Thursday. Malalaman natin kung hanggang saan kami,” wika ni Jumbo Plastic coach Stevenson Tiu na ang tinutukoy ay ang laro nila laban sa Blackwater Sports.

Nakitaan naman ng tibay ng dibdib ang Wang’s Basketball nang maitakas ang 71-68 come-from-behind panalo sa Arellano-Air21 sa unang laro.

Ang jumper ni John Tayongtong ang nagbigay ng bentahe sa Chiefs pero ininda ng koponan ang tatlong errors, tampok ang traveling violation ni Joshua Webb na nagresulta sa dalawang free throws ni Acosta sa kabilang dulo upang ilayo na sa tatlo ang Wang’s.

“Hindi maganda ang opensa namin pero bumawi kami sa aming pressure defense,” pahayag ni Couriers coach Pablo Lucas.

Tumapos lamang ang Wang’s Basketball bitbit ang 30.4 shooting (24-of-79) ngunit ang kanilang depensa ay nagpuwersa sa kalaban ng 24 turnovers para umangat sa 4-5 baraha.

Ang tagumpay ay kanilang sandigan para sa mabigat na laro kontra sa nangungunang Big Chill bukas.

 

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BLUE EAGLE GYM

D-LEAGUE ASPIRANTS

DERULO ACCELERO

ELLIOT TAN

JASON BALLESTEROS

JOHN TAYONGTONG

JUMBO PLASTIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with