PHL athletes kulang sa suporta ng mga opisyal
NAY PYI TAW – Hindi pumunta ang mga sports leaders ng bansa sa Southeast Asian Games bilang papapakita ng kanilang protesta sa patuloy na pagdaragdag ng mga non-Olympic sports na karamihan ay hindi kilala ng mga Pinoy athletes.
Sa pagkawala ng mga matataas na opisyal, tila kulang sa suporta ang mga atleta.
Habang todo suporta ang mga taga-Myanmar sa kanilang mga atleta, tanging mga atletang tapos na ang kani-kanilang events at mga miyembro ng POC secretariat ang nagtsi-cheer para sa mga Pinoy athletes.
Dahil wala ang mga opisyal ng swimming association, walang nangyari sa inihaing protesta ni chef de mission Jeff Tamayo para sa pagbawi ng gintong medalyang nakuha ni swimmer Jasmin Alkhaldi.
Bagama’t maraming pagkaing Pinoy na pagpipilian sa dining hall sa Athletes Village, nagha-hanap pa rin ang mga atleta ng pagkaing kailangan ng kanilang katawan kaya kailangan nilang kumain sa labas at gumastos ng kanilang pera.
Nagparamdam naman si Tagaytay Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, vice president ng chess association at presidente ng cycling association bagama’t hindi siya opis-yal na kinikilalang presidente ng cycling association.
- Latest