^

PM Sports

Big Chill tangka ang ikatlong sunod na panalo

AT - Pang-masa

Laro NGAYON

(Trinity University of Asia Gym)

2 p.m. – Big Chill vs Zambales M-Builders

4 p.m. – Hog’s Breath Café vs Cafe France

 

MANILA, Philippines - Ikatlong sunod na panalo ang target ng Big Chill para mapagtibay ang kapit sa unang puwesto sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.

Kalaro ng Superchargers ang Zambales M-Builders sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon at hahagipin din ng koponan ang ika-siyam na panalo sa 10 laro upang makalayo pa sa mga naghahabol.

Ang Hog’s Breath ay sasalang din laban sa Café France dakong alas-4 ng hapon at hanap na makabangon agad matapos tanggapin ang unang kabiguan sa kamay ng Jumbo Plastic, 70-87, noong nakaraang linggo.

Dapat na manumbalik ang dating sigla ng  manla-laro ni coach Caloy Garcia dahil ang Bakers ay may three-game winning streak at kailangan ang panalo upang tumatag ang paghahabol sa anim na koponang aabante sa playoffs.

May 6-3 karta ang tropa ni coach Edgar Macaraya at kung makukuha ang ikapitong panalo ay papantayan nila ang pa-hingang Cagayan Valley sa ikalimang puwesto.

Huling tinalo ng tropa ni coach Robert Sison ang Rising Suns, 89-75 at nasabayan ito ng pagluhod ng Razorbacks upang makita ng Big Chill na nasa unahan uli sila sa 14-koponang liga.

“Magandang break ito sa amin pero mangangahulugan din ito na dapat ay itaas pa namin ang lebel ng paglalaro dahil kaila-ngan ipanalo pa namin ang nalalabing mga laro para makuha ang outright semifinals,” wika ni Sison.

 

ANG HOG

BIG CHILL

BREATH CAF

CAFE FRANCE

CAGAYAN VALLEY

CALOY GARCIA

TRINITY UNIVERSITY OF ASIA GYM

ZAMBALES M-BUILDERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with