^

PM Sports

Walang kawala ang ginto sa Sinag cagers

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumamada agad si Kevin Alas sa unang yugto para bigyan ng magandang simula ang koponan tungo sa 84-56 dominasyon sa Malaysia at makumpleto ang sweep para sa titulo sa  27th SEA Games men’s basketball kagabi sa Zayar Thiri Indoor Stadium sa Nay Pyi Taw, Myanmar.

May  13 puntos si Alas sa laro at pito ang ginawa niya sa unang yugto para hawakan ng Pilipinas ang 17-8 bentahe na nagpasi-mula sa paglayo ng tropa ni coach Jong Uichico.

Si Bobby Parks Jr. ay mayroong 18 puntos at ang sampung iba pang manlalaro na ipinasok sa laro ay tumipa ng dala-wang puntos para katampukan ang ika-16 na sunod na kampeonato ng Pilipinas.

Tulad sa naunang anim na panalo, dinurog ng Nationals ang Malaysia sa inside points, 28-10 at nakitaan pa ng magandang teamwork sa 29-12 bentahe sa assists.

Tinambakan sana nang husto ng Nationals ang katunggali kungdi sa pagbibigay ng mga bench players na sina Chun Khee Ong, Wei Hong Choo at Tian Yuan Kuek na gumawa ng 11, 10 at 10 puntos.

 

vuukle comment

CHUN KHEE ONG

JONG UICHICO

KEVIN ALAS

KUMAMADA

NAY PYI TAW

PILIPINAS

SI BOBBY PARKS JR.

TIAN YUAN KUEK

WEI HONG CHOO

ZAYAR THIRI INDOOR STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with