^

PM Sports

4 golds: Dalawa mula sa athletics

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakuha ng Pilipinas ang itinuturing na pinakamahalagang ginto nang magdomina ang koponan sa basketball upang tulungang mapantayan ang pinakamaraming apat na gintong medalya na nakuha sa isang araw ng Pambansang delegasyon sa pagpapatuloy ng 27th SEA Games sa Nay Pyi Taw, Myanmar.

Sa ikalawang yugto, nagtrabaho ng husto ang men’s basketball team para layuan na ang katunggaling Malaysia sa 84-56 panalo tungo sa  6-0 sweep at ibulsa ang ika-16th titulo sa SEAG.

Hindi naman nagpahuli ang athletics delegation na binuksan ang hangarin na pamunuan ang laban ng Pilipinas sa paghablot ng dalawang ginto bukod pa sa dalawang pilak  at isang bronze medal.

Muling umalingaw-ngaw ang pangalan ni Henry Dagmil sa lara-ngan ng men’s long jump nang lumundag ng 7.80 metro para hubaran ng titulo ang nagdedepensang kampeon na si Supanara Sukhasvasti ng Thailand na mayroong 7.71-metro naitala.

Pinatotohanan naman ni Archand Christian Bagsit, silver medalist ng 2011 Indonesia Games, ang pagiging paborito sa men’s 400m nang talunin ang kababayang si Edgard Alejan sa 47.22 segundo tiyempo.

Si Alejan ay naorasan ng 47.45 segundo habang ang Indonesia si Edi  Ar-yani ang pumangatlo sa 47.78 segundo oras.

Nakontento din sa pilak si Arniel Ferrera sa 61.18 metro hagis sa aparato habang ang bronze medal ay nakuha ni Riezel Buenaventura sa women’s pole vault sa 3.80m marka.

Sinandalan naman ng Pilipinas ang tibay nina Mark Galedo at Ronald Oranza nang kunin ang ginto at bronze medal sa 50-kilometer Individual Time Trial.

Naorasan si Galedo ng  44 minuto at 76 segundo at angat siya ng mahigit na 37 segundo kay Robin Manullang ng Indonesia para sa pilak.

Ito ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa ITT road race mula noong 1999 nang nagwagi si Victor Espiritu sa nasabing event.

Kumampanya din si London Olympian Hidilyn Diaz pero minalas siyang kapusin ng  isang kilogram laban kay Sukanya Srisurat ng Thailand.

May 102 kg buhat sa snatch at 122 kg sa clean and jerk si Diaz tungo sa 224 kg laban sa 102kg-123-kg ni Srisurat tungo sa 225kg total lift.

Ang apat na ginto ang pinakamarami na napanalunan ng Pilipinas sa isang araw at naunang nangyari ito noong Sabado.

Sa nakuhang medalya, ang Pilipinas ngayon ay mayroong 11 ginto bukod pa sa 13 pilak at 21 bronze medal para malagay sa ikapitong puwesto.

Nangunguna pa rin ang Thailand sa 43-37-38 kasunod ng host Myanmar (37-30-33), Vietnam (35-32-41), Indonesia (31-47-43), Malaysia (21-15-37) at Singapore (15-12-21).

vuukle comment

ARCHAND CHRISTIAN BAGSIT

ARNIEL FERRERA

EDGARD ALEJAN

HENRY DAGMIL

INDIVIDUAL TIME TRIAL

INDONESIA GAMES

LONDON OLYMPIAN HIDILYN DIAZ

MARK GALEDO

MYANMAR

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with