Tuloy ang arangkada ng Petron
MANILA, Philippines - Wala pa ring nakakaÂpigil sa arangkada ng Boosters.
Kumolekta si 6-foot-10 June Mar Fajardo ng 12 points, 19 rebounds at 3 shotblocks para tuluÂngan ang Petron Blaze sa 77-73 paggiba laban sa MeÂralco para patuloy na paÂngunahan ang 2013-2014 PBA Philippine Cup kahapon sa Dipolog City Sports Complex.
Umiskor ng 17 marÂkers si Fil-Am point guard Alex Cabagnot para banÂderahan ang Boosters kaÂsunod ang 16 ni Marcio LaÂssiter at 14 ni 2013 PBA Most Valuable PlaÂyer Arwind Santos.
Sina Cabagnot at Lassiter ang inasahan ni head coach Gee Abanilla sa seÂcond half matapos pagtuÂlungan sa depensa ng Bolts si Fajardo.
Mula sa 48-50 agwat ay ipinoste ng Petron ang isang 18-point lead, 73-57, sa fourth quarter.
Huling nakadikit ang MeÂralco sa 73-77 galing sa basket ni John Wilson sa natitirang 41 segundo.
Pinamunuan nina Wilson at Gary David ang Bolts mula sa kanilang tig-16 points kasunod ang tig-13 nina Reynel HugÂnatan at Rabeh Al-Hussaini.
Nag-ambag si Jared Dillinger ng 8 points para sa Meralco na nagmula sa 72-64 pagresbak sa San Mig Coffee noong Miyerkules. (RCadayona)
Petron 77 - Cabagnot 17, Lassiter 16, Santos 14, Fajardo 12, Kramer 7, Ross 6, Lanete 3, Lutz 2.
Meralco 73 - Wilson 16, David 16, Hugnatan 13, Al-Hussaini 13, Dillinger 8, Cortez 3, Caram 2, Sena 2, Allado 0, Timberlake 0, Guevarra 0, Salvacion 0.
Quarterscores: 17-18; 34-37; 64-53; 77-73.
- Latest