^

PM Sports

Alkhaldi ‘di matanggap ang pagbawi ng ginto sa kanya

Pang-masa

NAY PYI TAW – Ang kabiguan ni Natio­nal swim­mer Jasmine Al­khal­di na makuha ang gold medal sa re-swim ng wo­­men’s 100-meter freestyle sa 27th Southeast Asian Games ay hindi dahil malakas ang kanyang mga kalaban o pangit ang kanyang inilangoy.

Ito ay bunga ng sama ng loob.

“Siyempre masakit,” wi­ka ni Alkhaldi, ang 20-anyos na swimmer na nagmula sa Hawaii at ti­niis ang isang five-hour bus ride buhat sa Yangon papunta dito ay binawian ng gold medal noong Huwebes sa Wunna Theikdi swimming pool.

Si Alkhaldi sana ang ma­giging ikaapat na Filipino na kumuha ng gold me­dal matapos magsu­mite ng 56.65 segundo sa women’s 100m freestyle.

Ngunit ipinaulit ng mga technical officials ang naturang event.

Maaari sana itong ituring na false start matapos  huminto ang isang Thai swimmer matapos ma­rinig ang ikalawang pagtunog ng horn.

Ang re-swim ay iti­nakda noong Biyernes.

Iniapela nina Philip­pine Swimming, Inc. pre­­si­dent Mark Joseph at chief of mission Jeff Ta­mayo ang naturang isyu kay SEA Games Sports and Rules Committee chief U Naw Taung.

Hanggang kahapon ay wala pang desisyon ang nasabing ko­mite.

Lumangoy si Alkhaldi sa re-swim at tumapos sa ilalim nina Nathanan Junkrajang ng Thailand at Tien Wen Quah ng Singapore para makuntento sa bronze medal.

“Some things are just worth better than gold. I did my best and I’m pretty sure that I left my mark,” sabi ni Alkhaldi sa kanyang Facebook account.

“I believe everything hap­pens for a reason, and I’m so thankful and blessed to be able to get my first SEA Games gold me­dal, though there were a lot of challenges that came my way.”

 

ALKHALDI

GAMES SPORTS AND RULES COMMITTEE

JASMINE AL

JEFF TA

MARK JOSEPH

NATHANAN JUNKRAJANG

SHY

SI ALKHALDI

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with