^

PM Sports

Phl athletics team sasabak sa aksyon

Pang-masa

NAY PYI TAW – No­ong 2011 ay muntik nang maiuwi ni Archand Christian Bagsit ang gintong medalya sa men’s 400-meter run sa Southeast Asian Games sa Indo­nesia.

Ngayon, naniniwala si Philippine athletics team leader Luisito Arciaga na ito na ang po­sib­leng pagkakataon ni Bag­sit para maghari sa kanyang event sa pagsi­simula ng athletics sa Wunna Theikdi Stadium.

“Malaki na in-improve ni Bagsit since Indonesia,” wika ni Arciaga kay Bag­sit.

“Ngayon isa siya sa mga pinakamalaki ang tsan­sa dito at kung may ha­long nerbiyos iyung first time niya, ngayon wa­la na,” dagdag pa nito.

Nagtala ang noon ay 20-anyos na si Bagsit ng oras na 47.71 segundo sa ilalim ng 47.53 ng gold medalist na si Heru Astriyanto ng Indonesia. 

Sasabak naman ang iba pang Filipino athletes sa men’s long jump at ham­mer throw at wo­men’s pole vault.

 

ARCHAND CHRISTIAN BAGSIT

ARCIAGA

BAGSIT

HERU ASTRIYANTO

INDO

LUISITO ARCIAGA

NGAYON

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

WUNNA THEIKDI STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with