2 panalo kay J. Guce
MANILA, Philippines - Nagpakita uli ng galing si Jessie Guce nang magtala ito ng dalawang panalo sa isinagawang pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Martes ng gabi.
Ang first double ay pinagharian ng mga kabayong sakay ni Guce upang lumabas din ang class A rider bilang winningest jockey ng gabi.
Unang naipanalo ni Guce ang Gentle Irony sa Tritanic ni Antonio Alcasid Jr. sa isang special handicap race na inilagay sa 1,500-metro distansya. Unang panalo ito ng Gentle Irony sa tatlong takbo mula sa buwan ng Nobyembre at nagpasok ito ng P7.00 sa win habang P24.50 ang ibinigay sa 3-4 forecast.
Ang Reward For Effort ang nanalo sa race two na isang class division 1A at inilagay sa 1,300-metro.
Nasa P5.00 ang dibidendo ng win habang ang forecast na 5-4 ay may P10.00 na ipinamahagi.
- Latest






















