^

PM Sports

Camañero iginiya ang Kitty West sa panalo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahusay ang pagka­ka­gamit ni jockey Dan Ca­mañero ng kanyang la­tigo para mapalabas ang bangis ng Kitty West at ma­kapagtala ng magandang panalo noong Biyer­nes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa isang Special Class Divion race ginawa ang la­banan sa 1,300-metro at ang Kitty West ay nanalo kahit naiwanan ng malayo ng kinapos na paborito sa ka­rera na Yes Yes Yes sa pagdadala ni Jeff Zarate.

Nakasama ng Yes Yes Yes ang Water Shed at Kris­tal’s Beauty na lu­ma­­yo ng halos 10 dipa sa pangalawang grupo na kinabibilanganan ng Kit­tyWest.

Ginamitan na ni Ca­ma­­ñero ang kabayo ng la­tigo sa  back stretch upang  magsimulang bumilis ito.

Sa rekta ay nakaalagwa na ang Yes Yes Yes na galing sa dalawang vicious races na dinomina ng kabayo, pero tila hindi namalayan ni Zarate ang malakas na pagdating ng Kitty West na unang na­itawid ang ulo sa meta.

Galing ang Kitty West sa pangalawang puwes­tong pagtatapos sa huling ka­rera at si Camañero ay nasa ikalawang sunod na takbo na diniskartehan ang kabayo.

Lumabas bilang pi­nakadehado ang nanalong ka­bayo sa mga kuminang sa race track na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) matapos magpasok ng P39.50 sa win, habang ang forecast na 6-11 ay naghatid ng P68-50 dibidendo.

Nagpakilala naman ang kabayong Barcelona na hinablot ang unang pa­­nalo sa horse racing sa pa­ngunguna sa 2YO Mai­den Race na pinaglabanan sa 1,300-metro distansya.

Naipakita ng kaba­yong sakay si Jessie Guce ang tulin na taglay.

Sa rekta tuluyang lu­ma­yo ang Barcelona pa­ra iwanan ang pumangalawang Jazzi Too Shaftie na sakay ni jockey R.Tablizo.

Lumabas na pi­na­ka­paboritong nanalo ang Bar­celona sa ibinigay na P5.50 sa win, habang ang 5-10 forecast ay may P12.50 dibidendo.

 

vuukle comment

DAN CA

JAZZI TOO SHAFTIE

JEFF ZARATE

JESSIE GUCE

KITTY WEST

SHY

YES

YES YES YES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with