Houston sumandal sa depensa para talunin ang Golden State
HOUSTON -- Ang opensa ng Rockets ang isa sa piÂnakamahusay sa NBA.
Subalit kontra sa GolÂden State, ang kanilang deÂpensa ang naging susi sa paÂnalo.
Umiskor si James HarÂden ng 34 points, habang humaÂkot si Dwight HoÂward ng 22 points at 18 reÂbounds para tuÂlungan ang Rockets sa 105-83 paggupo sa Warriors.
Nagdagdag si Terrence Jones ng 16 points at 10 reÂbounds para sa Houston na nagmula sa dalawang suÂnod na kabiguan.
Nagsalpak si Howard ng 12-for-20 shooting sa free throw line at tumapos ang Rockets na may 25-for-39.
“That’s the way we play,†wika ni Harden. “If we don’t get after them on the defensive end, it’s going to be tough for us. We were getting huge stops and getting out in transition. We did a good job early in the game of putting pressure on their guards, and we got things going our way.â€
Pinangunahan naman ni guard Stephen Curry ang WarÂriors mula sa kanyang 22 points at 5 assists, ngunit tuÂmipa ng mahinang 5-of-14 fieldgoals.
Nag-ambag si Harrison Barnes ng 14 points at 7 rebounds, habang may 12 markers si Kent Bazemore at 11 si David Lee para sa Golden State.
Dahil sa kabiguan ay nagÂwakas ang two-game winÂÂning streak ng Warriors.
Sa Portland, tinalo ng Trail Blazers ang Utah Jazz, 130-98.
Kumolekta si Wesley MatÂthews ng 24 points at kuÂÂÂmabig si LaMarcus Aldridge ng 20 points at 15 reÂbounds paÂra sa Blazers.
Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Portland.
Sa Sacramento, nagsalpak si Jodie Meeks ng dalawang 3-pointers sa dulo ng fourth quarter para tumapos na may 19 points at igiya ang Lakers sa 106-100 panalo laÂban sa Sacramento Kings.
Sa New Orleans, tinalo naman ng Oklahoma City Thunder ang Pelicans, 109-95.
- Latest