^

PM Sports

Heat bagsak sa Bulls kahitwala si Rose

Pang-masa

CHICAGO – Umiskor si Carlos Boozer ng 27 points at tinalo ng Chicago Bulls si LeBron James at ang Miami Heat, 107-87 sa NBA nitong Huwebes ng gabi.

Nagtala si Luol Deng ng 20 points, nag-ambag si Taj Gibson ng 19 markers at nagdagdag si  Joakim Noah ng 17 points at 15 rebounds nang walang naging problema ang Bulls para talunin ang defending champions.

Maagang kinontrol ng Chicago ang laro at umabante ng hanggang 25-points ngunit hinayaan nilang maupos ito at bumaba sa 12 sa huling bahagi ng labanan.

Impresibong laro ito ng isang team na natalo ng anim sa huli nilang pitong laro at nagpupursiging manalo na wala ang kanilang pambatong si Derrick Rose na nagkaroon ng injury.

Sa iba pang laro, iginupo ng New York Knicks ang Brooklyn Nets, 113-83 at pinasadsad ng Los Angeles Clippers ang Memphis Grizzlies, 101-81.

Ang Bulls ay tumira ng 50 percent at 10-for-19 sa 3-pointers-- apat mula kay Deng at tatlo mula kay Kirk Hinrich na umiskor ng 13.

Na-outrebound din nila ang Miami 49-27.

Umiskor si James ng 21 points para sa Miami.

vuukle comment

ANG BULLS

BROOKLYN NETS

CARLOS BOOZER

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

JOAKIM NOAH

KIRK HINRICH

LOS ANGELES CLIPPERS

LUOL DENG

MEMPHIS GRIZZLIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with