^

PM Sports

NBA game sa Mexico City hindi natuloy

Pang-masa

MEXICO CITY – Sinabi ng NBA na ang laban ng San Antonio Spurs at Minnesota Timberwolves ay na-postpone dahil napuno ng usok ang Mexico City Arena.



Ang larong naka-schedule nitong Miyerkules ng gabi ay lalaruin na lamang sa Minnesota sa hindi pa natutukoy na araw.



Pinalabas ang mga tao, 45 minuto bago ang nakatakdang alas-9:30 ng gabing laro dahil nagkaroon ng generator malfunction sa loob ng arena na dahilan ng pagkalat ng usok sa loob, ayon kay NBA spokeswoman Sharon Lima.



Mga 15 minutes bago ang nakatakdang simula ng  laro, umalis ang bus ng Spurs. ‘Di nagtagal ay sumunod na umalis ang bus ng Timberwolves.



Habang nagwa-warm up ang dalawang team para sa kanilang regular-season matchup, namatay ang  mga ilaw sa ilang bahagi ng arena at lumabas ang usok sa vents sa upper deck.

 

HABANG

MEXICO CITY ARENA

MINNESOTA TIMBERWOLVES

MIYERKULES

PINALABAS

SAN ANTONIO SPURS

SHARON LIMA

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with