Nietes- Fuentes rematch ipinag-utos ng WBO
MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ng World Boxing Organization (WBO) ang rematch nina Filipino light flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes at mandatory challenger Moises Fuentes ng Mexico.
Binigyan ni WBO president Francisco ‘Paco’ Valcarcel ang mga kampo nina Nietes at Fuentes, ang ALA Boxing Promotions at ang Zanfer Promotions, ayon sa pagkakasunod, ng 30 araw para magkaroon ng isang contractual agreement.
Kung walang mararating na kasunduan ang ALA at Zanfer Promotions ay mapupunta ang Nietes-Fuentes rematch sa purse bid na magsisimula sa mi-nimum bid na $80,000.
Sinabi ng ALA Promotions na plano nilang itakda ang Nietes-Fuentes rematch sa Pebrero 22 sa susunod na taon sa Macau, China.
Naglaban sina Nie-tes (32-1-4, 18 KOs) at Fuentes (19-1-1, 10 KOs) noong Marso 2 sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu kung saan nauwi ito sa isang majority draw decision para sa panalo ng 31-anyos na Filipino WBO light flyweight king.
Nagmula si Nietes sa isang third round TKO victory kontra kay dating world minimumweight champion Sammy Gu-tierrez ng Mexico noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
Hindi pa natatalo si Nietes, tubong Murcia, Negros Occidental, sapul noong 2004 matapos mabigo kay Angky Angkotta ng Indonesia sa pamamagitan ng split decision.
- Latest