UST volleybelles wagi sa UP

MANILA, Philippines - Nagdeliber sina Jem Gutierrez at Chlodia Cortez ng key hits sa fourth set nang igupo ng Tigresses ang lumakas na University of the Philippines, 25-15, 22-25, 25-21, 25-22 sa UAAP Season 76 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

Sinamahan ng Tigresses ang mga opening day winners na De La Salle at National University sa maagang liderato.

Tumapos si Gutierrez ng career-high na 20 points, nagdagdag si Carmela Tunay ng 17 hits kabilang ang three service aces, two blocks at 10 digs habang si Pam Lastimosa ay may 12 markers para sa UST.

Samantala, sa men’s division,  nagtala si  Ricci Gonzales ng 17 hits nang igupo ng  Ateneo ang UE, 25-22, 25-19, 25-14 habang umiskor si Julius Evan Raymundo ng 17 points sa  25-23, 22-25, 25-17, 25-23 panalo ng UP laban sa UST.

Sinamahan ng Blue Eagles at Fighting Maroons ang mga men’s division opening day winners na Adamson at titleholder NU sa maagang pangunguna.

Show comments