Hagdang Bato natisod
MANILA, Philippines - Kasabay ng pagkatisod ng Hagdang Bato sa alisan ay ang pagkahubad ng korona sa Presidential Gold Cup.
Ang sumalo ng kampeonato sa 41st edisyon ng prestihiyosong karera na itinaguyod ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ginawa sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ay ang dehadong Pugad Lawin na mahusay na sinakyan ng beteranong hinete na si Pat Dilema.
Agad na nalagay ang kabayong pag-aari nina Tony Tan at Jun Ferrer sa ikalawang puwesto sa alisan at sa huling kurbada ay itinuluy-tuloy na hanggang sa meta.
Naorasan ang kabayong may lahi na Refuse To Bend at Unstoppable Lady ng 2:11 sa kuwartos na 24, 24’, 27, 28, 27’ sa 2,000-metro para maibigay sa winning connections ang P4 milyong premyo na mula sa PCSO (P3M) at Philippine Racing Commission (P1M).
“Nanalangin din tayo na manalo rito at sa awa ng Diyos binuwenas, naka-tsamba,†ani Dilema.
Ang suwerte na nakuha ng nagwaging kabayo ay nang matalisod ang Hagdang Bato na sakay ni Jonathan Hernandez na outstanding favorite sa 10 kabayong naglaban sa nakuhang P599,329.00 sales mula sa P672,606.00 total sa Daily Double.
Nakuha ng My Champ na sakay ni Fernando Raquel Jr. ang pangalawang puwesto bago sumunod ang Boss Jaden ni Jonathan Bacaycay.
Halagang P1 milyon ang nakamit ng pumangalawa.
- Latest