^

PM Sports

PLDT-MyDSL wawalisin ang classification round

ATan - Pang-masa

LARO NGAYON

(Ynares Sports Arena)

 2 p.m. PLDT-MyDSL vs Cagayan (w)

4 p.m. RC Cola vs Petron (w)

6 p.m. Systema vs Giligan’s (m)

 

MANILA, Philippines - Walisin ang classification round ang nakataya na la­mang sa PLDT-MyDSL sa pagharap sa Cagayan Val­ley sa pagtatapos ng yugto sa Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix ngayong hapon  sa Ynares Sports Are­na sa Pasig City.

May 4-0 baraha ang tropa ni coach Roger Gorayeb at pasok na sila sa semifinals upang maging ‘no-bea­ring’ ito sa koponan.

Ang mangungunang dalawang koponan matapos ang single round ay didiretso na sa semifinals at ang pahingang TMS-Army ay nakausad na rin sa 4-1 ba­raha.

Isang panalong Lady Rising Suns sa larong iti­nakda sa ganap na alas-2 ng hapon ay magreresulta sa 3-way tie sa 4-1 baraha.

Pero ang Cagayan ang siyang may pinakamahinang quotient upang malagay ito sa quarterfinals.

Sina Kaylee Manns at Savannah Noyes ang mga ka­kamada muli para sa Speed Boosters pero asahan ang matikas ding paglalaro ng mga locals na siyang nais na makita ni Gorayeb.

Unahan sa unang panalo ang mangyayari sa RC Co­la at Petron sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon.

Parehong may 0-4 baraha ang dalawang tropa at ang ma­nanalo ang kukuha sa ikalimang puwesto.

Walang maaalis na koponan sa yugtong ito pero ang maiiwang apat na koponan ay sasailalim sa knockout crossover quarterfinals.

Samantala, maghaharap din ang Giligan’s at Systema sa men’s division sa alas-6 ng gabi na isang knockout match.

CAGAYAN VAL

GILIGAN

GRAND PRIX

LADY RISING SUNS

PASIG CITY

PETRON

PHILIPPINE SUPER LIGA

ROGER GORAYEB

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with