Cagayan Lady Spikers sinolo ang No. 2 spot
MANILA, Philippines - Ipinakita ng Cagayan Valley ang kanilang determinasyong maisakatuparan ang hindi nila nagawa sa unang conference nang kanilang pasadsarin ang Cignal, 25-14, 18-25, 27-25, 25-23 upang umakyat sa ikalawang puwesto ng Philippine Superliga Grand Prix 2013 na nagpatuloy kahapon sa Ynares Sports Arena.
Pinangunahan nina Thai reinforcements Wa-nida Kotruang at Patcharee Saengmuang ang Lady Rising Suns tulad ng inaasahan at sila ay naghatid ng 21 at 17 puntos ayon sa pagkakasunod, habang namuno naman si Pau Soriano sa mga locals sa kanyang11 markers.
Matapos mawala ng 4-games dahil sa injury sa balikat at tuhod, nagbalik si Angge Tabaquero na higit na nagpalakas ng laban ng Cagayan Valley sa Invitational Tournament na ito na inorganisa ng SportsCore, kinilala ng International Volleyball Federation at suportado ng Asics, Mikasa, LGR, Jinling Sports at Solar Sports.
“Mas may kumpyan-sa ‘yung mga kasama niya pag andyan si Angge, may leader sa loob,†sabi ni coach Nes Pamilar.
Ang Lady Rising Suns ay may tatlong panalo sa apat na laro katabla ang TMS-Philippine Army na siyang koponang nagkait sa kanila ng titulo sa Invivational tournament.
Tumapos si Li Zhangzhan ng 16 points habang ang kanyang kapwa Chinese import na si Lei Xie ay may 13 at 12 points naman si Abigail Praca para sa Cignal na nasa ikatlong puwesto sa 2-2 win-loss card.
- Latest